Tagos

Tagos

shoutout kay kuyang psych major or medtech ata yun na umupo sa inupuan kong may tagos sa mcdo morayta. kuya, super sorry! i didn't expect na magkakaroon ako that day kaya i didn't wear a pad. huhu. ilang minuto ko ring iniisip kung paano ako tatayo sa kinauupuan ko na walang makakapansin na may dugo na yung palda at yung chair ko. ikaw naman kasi kuya, katatayo ko pa lang umupo ka na. di mo pa chineck muna yung upuan bago ka umupo. naipasa tuloy sa pants mong white yung dugo. umalis na lang ako kasi nag papanic na din ako nun.

pero sorry po talaga kuya, i know medyo dugyot. sana may condo ka around morayta para nakapag-palit ka. binabagabag pa rin ako ng konsensiya ko 'til now kaya ko shinare 'to dito. huhu. sorry talaga.

4th anniversary na lang, wala ng happy

Hindi ko sinasabing totoo para sa lahat yung kasabihang "Wala sa tagal 'yan", pero saming dalawa...

totoo.

Alam niyo yung pakiramdam na nag iistay na lang kayo sa isa't isa dahil nasasayangan kayo sa haba ng pinagsamahan niyo? Yung pakiramdam na natatakot ka lang mawala yung taong nakasanayan mo? Natatakot ka lang sa thought na magiging mag-isa ka na lang? Natatakot ka na baka may ipalit agad siya tapos ikaw, wala? At pagsisihan mo sa huli kung bakit hinayaan mong tapusin? Kaya naman kahit wala na yung "Sparks, Love and Happiness" hindi niyo pa rin gustong bumitaw. Kahit miserable na kayo pareho, kahit halos minu-minuto na kayong naiirita sa presensiya ng isa't isa, wala pa ring gustong umalis.

Sad to say...

Nandito na kami sa point na 'yun.

Hindi ko alam kung ilalaban ko pa. O kung ako ang mag-fifirst move para bigyan namin ang isa't isa ng panahon para hanapin muna namin ang mga sarili namin.

Alam ko namang yun na rin ang nasa isip niya, alam kong naduduwag lang din siyang gawin, kagaya ko.

Daenerys
2012
IAS
FEU Manila

B.S

B.S

Galing siya sa 3 year relationship na nauwi sa break-up. M.U na kami for two months, but she decided to quit. She needs more time daw to move on from her past relationship. Masakit sakin dahil minahal ko na siya sa short period of time naming pagsasama. Umasa at nag-invest na rin ako emotionally. Pero kahit masakit, nirespeto ko yung decision niya. I'm thinking na once naka-move on na siya, pwede na akong pumorma ulit. Ganon ko siya kagusto. Kaya ko siyang hintayin, at aware siyang maghihintay ako kasi sinabi ko sa kaniya yun.

But, guess what.

Wala pang one week, nalaman kong sila na ng tropa ko. Tropa ko na hindi niya alam na tropa ko. At hindi rin alam ng tropa ko na naka-M.U ko yung gf niya. Nagulat na lang ako na pumunta siya sa court hindi para sa 'kin kundi para sa tropa ko. She had no idea na nandun ako kaya pareho pa kaming nagulat. Hindi siya maka-tingin sa 'kin ng diretso, hindi pa tapos yung game pero umuwi na 'ko. Nakakapikon. Nakakabadtrip! Nakakadurog ng ego.

Okay lang naman sakin, siguro nga mas gusto niya yun. Siguro nga may nakita siya dun na wala sakin.

What I can't understand is, why do they have to lie? Yung iba focus daw sa studies, yung iba strict daw ang parents, yung iba hinahayaan lang yung lalaki manligaw dahil nag bebenefit sila sa efforts, why can't you girls say straight to our damn face na hindi niyo kami gusto at may gusto kayong iba? Be straightforward, be fair and enough with your crappy excuses. Wag niyo nang patagalin.

Don't you ever say na ayaw niyo kaming saktan dahil mas masakit samin malamang nagsinungaling pa kayo.

Okay. Sorry kung ang taas ng emotion ko, kanina lang kasi nangyari. Kailangan kong mag-vent ng rage. Wala akong mapagkwentuhan kaya dito ko shinare. Siguro sa araw na mapopost 'to naka move on na ako. Hahahaha.

Jerome D.C
2013
FIT
FEU Manila