Immature

Immature

DO NOT LET HIM/HER RUIN YOUR RELATIONSHIP TO YOUR FRIENDS LALO NA KUNG ALAM MO SA SARILI MONG NEVER NAMAN SILANG NAGING BAD INFLUENCE SA 'YO.



KUNG WALA SIYANG MAIBIGAY NA ACCEPTABLE REASON KUNG BAKIT KAILANGAN MONG LAYUAN ANG MGA KAIBIGAN MO, LEAVE HIS/HER IMMATURE ASS ALONE! GUSTO KA NIYANG ILAYO SA KANILA DAHIL GUSTO NIYA ANG FULL ATTENTION MO, GUSTO NIYANG SIYA LANG ANG TAO SA BUHAY MO, AND IT'S A TRAP! HUWAG MONG HAYAANG IKULONG KA SA SELDANG SIYA LANG ANG MASAYA.


DUN KA SA TAONG MAIINTINDIHAN NA ANG MGA KAIBIGAN MO AY ISA SA MGA SOURCE OF HAPPINESS MO NOON AT NGAYON, DUN KA SA TAONG ALAM NA HINDI LANG SA INYONG DALAWA UMIIKOT ANG MUNDO, DUN KA SA TAONG HINDI "THREAT" ANG TINGIN SA MGA TAONG MAHAL MO.

I'm a living proof.

Mahirap yung pag gising mo iniwan ka na nung taong sumakal sayo. Para kang aso na iniwan sa kung saan. Hindi mo na alam kung saan at kanino ka pupunta, hindi mo alam kung saan magsisimula.

Benedict 
2012
FIT
FEU Manila

Tester

Tester

So ayun nga, biglang nagtext yung crush ko saken ng, "Wru? Let's watch movie here sa SM North, andito ako now".

EH BES, NASA SM NORTH TALAGA AKO! NAG-AALMUSAL DAHIL WALANG ULAM SA APT. JUSKO, WALA AKONG AYOS, WALANG SUKLAY, WALANG PABANGO. Ang chaka ko! Naka-messy bun, Tshirt pa ng kuya ko yung suot ko at naka-dangkal short! Nagdadalawang isip ako kung irereject ko yung offer, tinype ko na na "Sorry, hindi ako pwede ngayon e" pero besh, crush ko yon besh, minsan lang yon besh. Pagkakataon ko ng mag-step ahead of my competitors, ARIEL! Chareng!

Dinelete ko yung tinype ko, nag type ulit ng, "Sige, meet me at ____ after 10 minutes" at napagdesisyunang RARAVAN TAYO PARA SA EKONOMIYA!

Takbo ako sa Watson's mga beshie. Galawang desperada tayo ngayon kaya pasensiya na ulit sa mga staff ng Watson's na nakatingin saken that day, quotang-quota mga testers sa make up of the day ko! By the way, salamat sa sponsor este pa-tester Ever Bilena for my blush-on, BYS for my liquid eyeliner, Nichido for my eyebrows and lipstick, and Loreal for my liquid foundation. Thank you rin pala Bench sa pa-pabango ni Mayor, in fairness bet ko yung Georgina Wilson dun, gusto ko na ngang ibulsa eh, charot lang!

So ayun na nga, Pak! Pak! Pak! Ravaaan!! Feeling ko ang fresh ko kahit walang goli, tinreat ako sa sine ni crushie tapos sinabihan niya pa akong ang ganda ko raw. Enebeee!! Kung alam mo lang na buraot lang ang lahat. Hahahaha! Pero salamat pa rin talaga sa mga pa-tester ni mayor, kung wala kayo, walang kami. Chareng! SO YUN LANG, naishare ko lang. Alam niyo na gagawin sa oras ng kagipitan mga beshies. Joke!

PS: Kung gagamit ng tester, mag-alcohol muna at gamitin ang kamay or daliri bilang beauty blender/brush lalo na kapag nag tatry ng lipstick ha!! Jusko! Tandaan niyo yan.

PPS: Salamat sa nagbasa sa kaharutan ko. Sorry, hindi ko na maibabalik ang limang minuto ng buhay niyo. Hahahaha.

Karlita
2013
IAS
FEU Manila

G

G

I didn't know until I saw my ex-boyfriend and his bestfriend, Jake having s*x in his condo. AND that's the most disgusting sh*t I've ever seen. Never akong nagbigay ng malisya sa sweetness nilang dalawa kahit madalas OA na kasi alam kong bestfriends sila since highschool. Sobrang at peace pa ako kapag alam kong sila ang magkasama because that means, hindi siya mambababae. I trusted Jake to look after my ex-boyfriend kapag wala ako dahil LDR kami. Sinabi ko rin na sabihin sakin kung may ginagawang kagaguhan ang ex ko, I did not freaking expect na yung ahas na pala mismo ang kausap ko. Waw! It's really hard to tell nowadays kung sino ang straight at kung sino ang panggap lang. Don't be like me na it took 2 years bago ko nalaman na beki siya, and he's having an affair with his bestfriend.


I don't know how it happened pero advice lang sa mga girls, be vigilant. Sa panahon ngayon, hindi lang kapwa babae natin ang pwedeng maging karibal.

Bro ang tawagan nila, 
ingat kayo.

MXXX
2012
IABF
FEU Manila

Work Hard

Work Hard

Verbatim

Mama: Piliin mo yung mga lumang damit na hindi mo na ginagamit diyan sa cabinet mo, ipamimigay natin sa mga pinsan mo sa probinsiya.

AKO WHILE EATING ICE CREAM: Ayoko. Hihintayin ko lang pumayat ako para mag-kasya ulit sa akin lahat 'yan.

xxxl
2012
IE
FEU Manila

Sleep Paralysis

Sleep Paralysis

Have any of you guys ever wondered why sleep paralysis has to be so scary? One time may matandang nakaupo sa dibdib ko, the next month may sunog na taong nakatayo sa pintuan ko, then recently si Satan nakangiti sa akin. Jusq anu na?!!! Always horror movie ang genre.

Hindi ba pwedeng si crush naman ang makita ko like why can't we be somewhere outside where it's sunny in a flowerfield, running in slow motion while holding each other's hand?? Para kahit man lang sa panaginip diba.

DasalDasalLang
2013
IABF
FEU Manila

Clap! Clap! Clap!

Clap! Clap! Clap!

"Class, do you have any question for the reporter?"

an irreg student at the back asked something about the topic.

*reporter sarcastically answered*

"Nakinig ka ba?"

*with matching irap*

Non Verbatim:

Irreg: "Ano bang pakikinggan namin sayo? Yung awful na pagbabasa mo? Nakikita namin kung anong nakasulat sa Manila paper mo, marunong kaming magbasa, but obviously wala diyan yung sagot sa tanong ko. Try mo kasing iexplain nang maayos yang topic mo, hindi yung nagbabasa ka lang diyan sa harapan na parang grade 3 sa sobrang pangit ng enunciation mo.....

....tinanong kami ng prof kung may tanong, nagtanong ako dahil may ipinapalinaw ako, kaya 'wag kang sumagot nang pa-aso."

WE WERE ALL SHOOKTD.

and deep in my mind: YOU GOT SERVED, B!TCH.

I admire the savagery.

Nakakainis nga naman yung reporter na tatanungin mo about sa topic niya pero magagalit pa sayo dahil feeling niya ginigisa siya. Eh sa malabo nga naman kasi mag-explain, puro basa, word by word pang kinopya sa libro. Pffft. Tips lang sa mga mag-rereport, kapag mag-rereport kayo, ibullet form niyo lang yung ideas sa board pero wag niyong isulat yung explanations, isulat niyo man, brief lang para maexplain niyo pa further. Intindihin niyo yung topic niyo then create your explanation using your own words, then memorize. Add some examples as well para makita namang nag effort ka as a reporter. Hindi yung nakatalikod ka sa klase habang binabasa yung isinulat mo, o mas matindi, nagbabasa hawak ang libro na meron naman ang lahat. Jusko! Sabihin mo na lang kung anong page yung topic mo, kami na lang magbabasa para sayo. Gawd!

Paris Hilton
2015
ITHM
FEU Manila

Dun tayo sa taong mamahalin ka kahit mabuhok at majitim ang kilikili mo

Dun tayo sa taong mamahalin ka kahit mabuhok at majitim ang kilikili mo

Babae ako pero hindi ako nahihiyang may buhok ako sa kilikili. Ewan ko, comfortable ako eh. Nagsasando ako sa public places, hindi rin ako nahihiyang itaas ang kamay ko. Ano naman di ba? Palagi kong naririnig na wala raw hygiene kapag mabuhok ang kilikili. Eh bakit ang mga lalaki, wala rin bang hygiene? Dugyot din ba sila dahil hindi sila nagbubunot ng buhok sa kilikili? Hindi lang lalaki ang entitled magkaroon ng ganun, no.

May boyfriend ako. Actually, crush ko lang siya noon hanggang sa naging kami. Akala ko nung una matuturn-off siya sa kilikili ko, but guess what? He loves it. Inaamoy-amoy niya pa at nilalaro tuwing magkasama kami. Nakakatuwa dahil kahit hindi maganda sa paningin ng iba, tanggap niya ako. Nakakatuwa rin kung paano niya ako ipagtanggol sa mga taong tinatawanan ako lalo na sa jeep at sa LRT kapag hahawak ako sa handrail.

"Anong nakakatawa? Ngayon lang nakakita ng buhok sa kilikili?" - yan lang yung linya niya pero napapatahimik na yung mga taong tumatawa sakin. Kilig si aqu.

Proud ako na kahit mabuhok 'to, kahit magubat 'to, walang amoy 'to kahit manirahan pa sila dito. Lels! Same thing sa majijitim ang kilikili. Kung mahal ka, tatanggapin niyang may namumuong Low Pressure Area sa kilikili mo.

HairyFairy
2013
IAS
FEU Manila

Types of Teachers in School

Types of Teachers in School

1. Amor Powers - Ito yung teacher na sobrang bait, walang pakialam sa inyo kahit mag-batuhan kayo ng upuan, matulog, o mag-chismisan, continue lang siya sa discussion kahit walang nakikinig, hindi kayo pagagalitan pero sa grades kayo babawian. Pero dito niyo matututunan ang self-discipline. Walang ibang didisiplina sa inyo kundi ang mga sarili niyo. Kaya kung hindi niyo kayang disiplinahin ang mga sarili niyo, get ready for the consequences.

2. Bestieacher - Ito yung teacher na tropa outside the school, sumasama sa walwalan at inuman pero kapag nasa loob ng classroom, who you. Walang tropa-tropa. Bagsak kung bagsak. Pero dito niyo matututunan ang professionalism. Hindi sa lahat ng bagay at oras aasa ka dahil tropa.

3. Ursula - Ito yung teacher na maamoy niyo palang kinakabahan na kayo. Sobrang sungit. Mahilig mamahiya, mahilig mambagsak, walang consideration, "Late ka one minute? Wag ka nang pumasok sa klase ko", "Namatayan ka? Pake ko?" Madalas mang-power trip. Pero dito niyo matututunan ang matindihang disiplina, dahil sa ganitong tipo ng teacher, magiging perfectionist kayo. Matututo kayong maging on time palagi, at no place for being tamad.

4. SM Cinema - Ito yung teacher na pag pasok na pag pasok, open ng projector, mag-piplay ng movie, pagagawain kayo ng reflection paper, tapos siya? Ayun, nasa pinaka-likod at kasuluk-sulukan ng classroom, natutulog. Pero dito niyo matututunan gumawa ng pelikula. At least may konting knowledge kayo about sa course ng Mass Comm. di ba, Film production, ganern.

5. The coolest - Ito yung teacher na gagawin ang lahat makuha lang ang atensiyon at interests ng mga estudyante niya. Gagamit ng memes, hugoat, kpop, comedy, or anything na trendy sa subject niyang boring para maka-relate at maging attentive ang mga students sa discussion. Ito yung tipo ng teacher na favorite ng karamihan. Dito niyo matututunan lahat ng tungkol sa subject na itinuturo niya with willingness to learn, walang pilitan at bukal sa loob, dahil lahat kayo game mag-participate.

6. Roleta - Ito yung teacher na mas marami ang araw ng inabsent kesa sa araw ng ipinasok. Matatapos na ang semester pero hindi niya pa rin kayo kilala. Yung mga grades na hokus pokus at hindi niyo alam kung paano ginawa. Magugulat na lang kayo na pati yung nag-drop niyong blockmate prelim pa lang may final grade pa sa kaniya. Dito mo matututunan ang hindi umasa sa iba. Matuto ka para sa sarili mo. Mag-aral ka para sa kinabukasan mo dahil walang kwenta ang teacher mo. Lol.

7. The clown - Ito yung teacher niyong gusto good vibes lang sa classroom. Kahit korni na yung jokes tawa lang. Asaran. Chill lang. Happy lang.

Pero maiiyak ka kasi sobrang hirap mag paexam, at mas maiiyak ka kapag nagbigay na ng grades. Pero dito niyo matututunan na hindi lahat ng bagay naidadaan sa biro at sa tawa, may mga panahong dapat mag-seryoso.

8. The boring - Ito yung teacher na sobrang boring mag turo. Yung boses niya parang lullaby. Kaya kapag inikot mo mata mo sa clasroom, halos lahat ng kaklase mo kinukuha na ng liwanag. Pero dito niyo matututunang lumaban. Malaki ang gamit nun sa workplace dahil kapag nakita kayong tulog sa trabaho, panibagong update ka na naman ng profile sa Jobstreet.

9. The story teller - Ito yung teacher na ang daming segway na kwento. Sa dami ng kwento niya, lumayo na sa topic hanggang sa wala na kayong natutunan sa subject. Okay lang sana kung yung mga kwento niya ang pinapaexam niya, hindi naman. Though, dito kayo matututong mag-sariling sikap, self-study sa bahay. Sulit ang ibinayad sa libro at photocopies, laspag pagkatapos ng semester.

10. Lastly, The viewer - Ito yung teacher na puro pa-report. Yung tipong siya na yung naging estudyante at kayo yung naging teacher. Araw-araw nakaupo sa likod, madalas busy sa phone, 'di nakikinig sa inyo, ganon buong semester. Pero dito niyo matututunang labanan ang stage-fright. Matututo kayong mag-present, mag-salita in front of the crowd, at dito madedevelop ang reporting skills niyo. Malaking tulong sa job interviews, presentations sa office, and etc.

Nakapag-ambag man sila ng knowledge sa atin o hindi, they are some of the people that we will never forget.

Emo-Sa-Classroom
2012
IAS
FEU Manila

May forever sa utang

May forever sa utang

Friend naman, bago mo sabihing wala kang perang pambayad sa two hundred na hiniram mo, hinahide mo sana sa 'kin yung mga posts mo sa day mo. Sasabihin mo saking gipit ka pero lagi kang naka-Starbucks at pa-pizza. Ipopost mo pang may bago kang Iphone with hashtags #Blessed #IponForIphone pero yung utang mong two hundred tinubuan na ng kulapo.

Bayad muna bago mag paka-social climber sa internet, mga friendship.

Bigyan ko kayo ng mag-asawang sampal ni Ivy Aguas ewan ko na lang.

TUNET
2013
IABF
FEU Manila

Galawang Kupalog

Galawang Kupalog

So gumagawa ako ng assignment sa kwarto ko nang biglang nag beep yung phone ko. Nag chat kuya ko.

Kuya: Japet punta ka dito sa kwarto daliii
Me: Baket?
Kuya: May sasabihin ako sayo!!
Me: May ginagawa ako.
Kuya: Daliii na bilisss!!
Me: Maya na, gumagawa akong assignments
Kuya: Dali importante to pramis
Me: Ano ba yon?
Kuya: Pumunta ka dito bilisan mo sobrang importante to
Me: Ge

*pag pasok ko sa kwarto niya*

Me: Oh, ano yon?
Kuya: Kuha mo kong tubig sa baba. 
Me: ULOL kumuha ka mag-isa mo!

-
May mga kapatid talaga tayong sobrang tamad tapos tayo pa ang tatawaging tamad kapag hindi sumunod sa kanila samantalang puro utos lang sila. Sarap itakwil eh!

Japet
2016
Senior High School
FEU Manila

How to know kung mahal niya pa si ex?

1. Kapag nilait mo ang ex niya at nagreact siya violently.

2. Kapag nakita mo pa rin yung photo nila together sa wallet niya at ayaw niya pa rin itong itapon.

3. Kapag palagi niyang binabanggit yung pangalan ng ex niya para ibida.

4. Kapag iniistalk niya pa rin sa Facebook, Twitter at Instagram si ex.

5. Kapag ayaw niya pa ring burahin ang convo nila sa chat and texts, nagbabackread 'yan ng hindi mo alam.

6. Kapag nag jejerjer kayo at bigla niyang isinigaw ang pangalan ng ex niya.

7. Kapag nag drunk call/text siya sa ex niya o kahit banggitin niya lang yung pangalan ng ex niya kapag lasing siya.

8. Kapag sinabi mong, "Ex mo oh!" at nag-atubili siyang hanapin, iyak ka na lang bes.

Pero bes, kung wala namang signs na mahal niya pa yung ex niya, 'wag mo nang pabalik-balikan. Tanggapin mong na sayo na siya. Tanggapin mong ikaw na yung kasama niya sa present and hopefully makakasama niya in the future. Ang praning mo naman kung ex na nga pinagseselosan mo pa, di ba? Insecure much?

Pero kung nakikita at ramdam mong love niya pa rin ang ex niya, let him/her go muna. Hayaan mo munang mag-move on o hayaan mo siyang pumunta sa kung saan siya masaya. Kesa naman magkasama nga kayo, araw-araw ka naman niyang pinapatay kapag nakikita mong deds na deds pa rin siya sa ex niya. Wag mag pa-rebound bes, masakit yon.

SagingLangAngMayHeart
2013
IAS
FEU Manila

Inboxzoned

Oh, c'mon! I am not an idiot, I know that you're "intentionally" snobbing me. I can see that you are online, I can see that you just shared and liked something, yet you never tried to open my messages because you don't want to feel the guilt of seenzoning me.

But burikat, I would like to let you know that it's better to seenzone us than leaving our messages unseen. Lalo na kung may utang ka saking hinayupak ka, idedemanda na kita! MAGBAYAD KA NA!

Ursula
2012
ITHM
FEU Manila

JUSMIO

First time kong mag-Grab dahil walang masakyan pauwi, inabot na ako ng gabi sa school. Pag-uwi ng bahay, si papa naka-abang na sa gate, beastmode.

Me: *bumaba ng Grab*
Papa: *hinarang yung sasakyan, pinababa yung driver*

Papa to Grab driver: BUMABA KA DIYAN!

GD: Bakit po?

Papa: BABABA KA O HINDI?

GD: *bumaba*

Papa: ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA? ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?!

GD: *takot na takot* Wala po akong ginagawa, ser.

Me: Papa ano bang ginagawa mo ha?! Tumigil ka na!

Papa to GD: HINDI MO KAYANG MAGPAKA-LALAKE NA IPAKILALA ANG SARILI MO SAMIN, HUH?! IPINAGPAALAM MO BA SAKIN 'TONG ANAK KO? ANONG KARAPATAN MONG IUWI SIYA NG GANITONG ORAS?!

GD: Ser, Grab driver lang po ako. Hindi po ako boyfriend ng anak niyo.

Papa: Ay hindi ba? *tumingin sakin* Ano ba yung Grab?

Me: -___-

Papa: Sige pare, pasensiya na ha. Akala ko kasi boyfriend ka ng anak ko. Pasensiya na. Sige, ingat sa daan pare.

GD: *nag mamadaling pumasok at pinaandar ang sasakyan*

Me and Mama: *masama tingin kay papa*

Papa: *pumasok sa bahay nang naka-yuko*

YUNG TATAY MONG TAMANG DUDS?

Andrea
2016
Senior High School
FEU Manila

Oppa (Warning: Harot post)

Pa-confess naman admins bago ako grumaduate. Hahahaha. Shelemert!

4th year college na 'ko, graduating na. Ikaw, Grade 11 pa lang. Sabihin niyo na lahat, pedo, lantud eme eme, pero ito ang walang halong eme.. SEAN ANDREI BALLESTEROS, CRUSH NA CRUSH KITA!! Anakan mo 'ko kahit duleng!!! Charot!! HAHAHAHA.

Pero seryosong tanong, bakit kapag SHS student pwedeng magkacrush sa college, kami bawal magkacrush sa SHS students? Issue na agad, ganern. Hustisya!! Second year na naman sila sa old curriculum ah?! Inilaban eh no? Hahahaha!

Pero seriously, sa tinagal tagal ko sa FEU, sayo lang umikot ang ulo ko. Head turner asf!! HAHAHAHA. Hi Sean Andrei! Marry me, oppa.

Lana Del Bae
2013
IAS
FEU Manila