Birth Order

Birth order

Ang hirap magkaroon ng girlfriend na spoiled sa family nila. Yung tipong what she wants, what she gets. Kapag hindi mo pinagbigyan, hindi nasunod ang gusto, tantrums, away, and etc. Mapapa-"baliw na baliw na ako sayo, be" ka na lang eh.

Kadalasan sila yung mga bunso saka only child. Iwasan niyo mag-girlfriend ng ganun mga tol. Kadalasan isip-bata tapos attention seeker pa. Girlfrienin niyo yung panganay para strong independent woman. Tips lang 'to ha, hahaha. Nasa sa inyo na mga tol kung kaya niyong tiisin kasi ako hindi na eh.

Sorry not sorry.

Nicanor
2014
ITHM
FEU Manila

Hm?

Hm?

Nakikita ko yung crush ko na nag popost sa FEU Marketplace ng mga ibinibenta niya.

Ako naman 'tong si tanga, bili nang bili makapag-papansin lang. Hahahahaha! Kunwari sa kapatid ko kahit wala naman talaga akong kapatid na babae. So ano nang gagawin ko sa mga make-up na 'to? HAHAHAHA.

Crush, okay na ako na nakikita ka sa mga meet ups kahit ilang minuto lang. Solved na ako dun. I love you!

PS: Hindi nag mimake-up si mama. Nakatago lang sa sulok ng kwarto ko yung mga make-up dahil baka makita ni papa at mapagkamalan akong Sirena.

Ur Buyer admirer
2015
IAS
FEU Manila

Aydul

Aydul

Bilib din ako dun sa mga taong nag chicheat pa kahit nasa serious relationship na. May future!! Puwedeng ilagay sa resume yung skill na "Multi-tasker". Isipin niyo yung effort na ginagawa nila mapagtakpan lang ang kalokohan nila.

Gumagawa ng panibagong Facebook account, nakakabili ng bagong sim, naitatago ang bagong jowa sa public places, kabisado ang script para sa mga alibis, excuses, isama na rin ang mga pa-fall scripts. Magaling mag-delete ng chat at messages, may weekly plan, MTHSat kay legal jowa, TWF sa kabitchina. Sunday, rest day. Daig pa class schedule eh, no? Minsan Restday overtime. TINDI MGA DOI!! Pero wala nang mas nakakabilib pa dun sa acting skills nila. Yung kunwari masaya sila kapag kasama yung isa, kunwari faithful, kunwari mahal na mahal. Hayup! Puwedeng pang Indie film!

Napaka-hardworking nila, noh? Kaya niyo yun? PAWERR!!

yokolokz
2014
IABF
FEU Manila

Bastos


Bastos

Nagising ako nang late that day. 7:30 ang klase ko, 7:00 na ako nagising. Pag bangon ko, nakita ko si mama na naglalaba sa banyo.

V:
Ako: 'ma bat di mo naman ako ginising?
Mama: Eh malay ko bang may pasok ka ngayon. 
Ako: Tsss. Excuse po muna 'ma, ligo muna ako.

*umalis si mama*

Pasok agad ako sa banyo dala yung tuwalya. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko nailock yung pinto. Biglang binuksan ni mama yung pinto para ilagay yung timba sa loob ng banyo.

V:
Ako: Ano ba naman yan 'ma?! Ang bastos naman eh!

Mama: Anong bastos?! E nung bata ka ako pa naghuhugas ng pwet mo! Sumisigaw ka pa noon ng.. "Mahh! Tapos na!!"

Ako: Eh noon po yun.

Mama: WALA NAMANG NAGBAGO SA SIZE AH?! ANO BANG ITINATAGO MO?!?

Grabe siya!!! -____-"

Looking for Titan Gel
2014
IE
FEU Manila

Loner


Loner

Sa sobrang loner ko, gumawa ako ng dummy accounts para ipakita sa iba na may mga kaibigan din ako.

Dummy accounts ang ginamit ko para mag-post sa sarili kong wall ng Happy birthday, para kahit papano kunwaring may naka-alala sa birthday ko. Dummy accounts ko rin ang mini-mention ko sa mga posts, tapos ako rin ang nagrereply. Dummy accounts ko rin ang mga nag lalike at nagcocomment sa pictures ko, nagpapasalamat pa ako sa sarili ko minsan. Ang sakit. HAHAHAHAHA!

John
2013
IABF
FEU Manila

Mura lang 'yan, pero galing sa puso ko


"Mura lang 'yan, pero galing sa puso ko"

I'm not broke, I can honestly buy expensive gifts. Pero kapag nakita kong hindi nila kayang tanggapin ang simple at mumurahing regalo na ibinigay ko, iniiwan ko agad.

I really hate materialistic girls. Para sa kanila, naka-depende ang pagmamahal mo sa presyo ng regalo mo. Kapag binigyan mo ng mumurahin, kahit pinaghirapan mo at galing sa puso mo, galit, masungit, worst, iiwanan ka. Kapag mamahalin, dun ka lang maaappreciate, dun ka lang ipagmamalaki.

Hindi naman ako kuripot. Ang ano lang eh, if they can't accept me being a "broke-ass-boyfriend", then they don't deserve the "generous-boyfriend" version of me.

Kevz
2013
FEU Tech

Stay away from B.Is


Stay away from B.Is

H'wag kang mag-papadala sa mga sinasabi nilang, "Wala ka pala eh", "KORNI", "KJ mo!" Peer pressure ang madalas nagiging dahilan ng pagkasira sa kinabukasan ng mga kabataan nowadays. Konting asar, konting udyok, papayag. Takot mawalan ng mga "kaibigan"

Friend, malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali. Alam mo na kung sino ang mga taong dapat samahan at hindi. H'wag kang matakot na iwanan ka nila, itakwil ka o asarin. Palagi mong iisipin na may makikilala kang mga kaibigan na hindi magiging bad influence sa 'yo. Mga kaibigang hindi sisira sa future mo.

Yuki
2012
IABF
FEU Manila

Controlling

Controlling

Sobrang controlling ng boyfriend ko to the point na binabago niya kung ano ako. Jolly kasi akong tao. Malikot, madaldal, maingay, joker, galawgaw, at ayaw niya na ganun ako. Example? Alex Gonzaga's personality, ganun ako. Pero gusto niya Maria Clara na mahinhin, mahiyain, e hindi nga ako ganon. Palagi niya akong sinisita na wag kang ganon, wag kang ganiyan. Noong una diba ang sweet kapag sinisita ka, kapag pinagbabawalan ka, pero habang tumatagal mafifeel mo yung pagiging controlling na masiyado. 
Yung tipong "lahat na lang"? 

I mean, nakilala nila tayong ganito, niligawan nila tayo sa kung ano tayo pero bakit may eksenang pinapabago? Exclude the vices ha kasi I'm talking about personality. Kung ayaw niyo sa personality nung tao since day 1 edi sana hindi niyo niligawan o sinagot, diba? 

Sabi nila, para raw tumagal ang relationship part na yung "pagbabago". Eh bes, bakit kailangan mong baguhin ang sarili mo? Imbis na mahalin ka nang buo at tanggapin ka kung ano ka, bakit ikaw pa ang mag-aadjust? Minsan kasi hindi niyo naman binabago ang tao para sa ikabubuti niya eh lalo na kung wala namang connect yun sa ikapapahamak niya, binabago niyo lang yung tao sa kung anong gusto niyong maging siya without asking kung gusto niya ba. And I think, that's selfish. 

Arif
2014
FIT
FEU Manila

Kawawa

Kawawa

May nakita akong video sa Facebook na binasted ni ate girl si kuya boy sa gitna ng proposal niya sa school. Binash si ate girl nang todo. Feeler daw, nagmamaganda, masama ugali, and etc.

Like hanep, diba? Shook ako sa reactions. Para sa mga taong nang bash kay ate girl, kapag nag propose ang lalaki sa maraming tao, nag effort bumili ng bulaklak at lumuhod, wala ka nang choice kundi umoo. Ganiyan sila ka-thirsty sa effort at sa isang bouquet ng bulaklak. Jusmio!

Proposing in public from a manliligaw is never a nakakakilig gesture for me. Pinipressure niyong pasagutin ng "oo" ang mga nililigawan niyo dahil nasa harap kayo ng maraming tao. Okay sana kung marriage proposal or alam mong M.U na kayo at sure na "OO" ang sagot niya. Pero kung alam mong wala kang pag-asa, naisip mo lang na baka sagutin ka kapag nag propose ka, aba! Think twice, kuya boy. Kung gusto mo talagang hingin ang kamay niya, do it privately. Hindi kailangang malaman ng madla na nililigawan mo siya. Ang time na dapat ipagmalaki ay ang time kapag sinagot ka na niya. Yun yern!

Xian 
2012
IABF
FEU Manila