Aydul

Aydul

Bilib din ako dun sa mga taong nag chicheat pa kahit nasa serious relationship na. May future!! Puwedeng ilagay sa resume yung skill na "Multi-tasker". Isipin niyo yung effort na ginagawa nila mapagtakpan lang ang kalokohan nila.

Gumagawa ng panibagong Facebook account, nakakabili ng bagong sim, naitatago ang bagong jowa sa public places, kabisado ang script para sa mga alibis, excuses, isama na rin ang mga pa-fall scripts. Magaling mag-delete ng chat at messages, may weekly plan, MTHSat kay legal jowa, TWF sa kabitchina. Sunday, rest day. Daig pa class schedule eh, no? Minsan Restday overtime. TINDI MGA DOI!! Pero wala nang mas nakakabilib pa dun sa acting skills nila. Yung kunwari masaya sila kapag kasama yung isa, kunwari faithful, kunwari mahal na mahal. Hayup! Puwedeng pang Indie film!

Napaka-hardworking nila, noh? Kaya niyo yun? PAWERR!!

yokolokz
2014
IABF
FEU Manila

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento