Controlling
Sobrang controlling ng boyfriend ko to the point na binabago niya kung ano ako. Jolly kasi akong tao. Malikot, madaldal, maingay, joker, galawgaw, at ayaw niya na ganun ako. Example? Alex Gonzaga's personality, ganun ako. Pero gusto niya Maria Clara na mahinhin, mahiyain, e hindi nga ako ganon. Palagi niya akong sinisita na wag kang ganon, wag kang ganiyan. Noong una diba ang sweet kapag sinisita ka, kapag pinagbabawalan ka, pero habang tumatagal mafifeel mo yung pagiging controlling na masiyado.

Yung tipong "lahat na lang"?
I mean, nakilala nila tayong ganito, niligawan nila tayo sa kung ano tayo pero bakit may eksenang pinapabago? Exclude the vices ha kasi I'm talking about personality. Kung ayaw niyo sa personality nung tao since day 1 edi sana hindi niyo niligawan o sinagot, diba?
Sabi nila, para raw tumagal ang relationship part na yung "pagbabago". Eh bes, bakit kailangan mong baguhin ang sarili mo? Imbis na mahalin ka nang buo at tanggapin ka kung ano ka, bakit ikaw pa ang mag-aadjust? Minsan kasi hindi niyo naman binabago ang tao para sa ikabubuti niya eh lalo na kung wala namang connect yun sa ikapapahamak niya, binabago niyo lang yung tao sa kung anong gusto niyong maging siya without asking kung gusto niya ba. And I think, that's selfish.
Arif
2014
FIT
FEU Manila
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento