Kawawa

Kawawa

May nakita akong video sa Facebook na binasted ni ate girl si kuya boy sa gitna ng proposal niya sa school. Binash si ate girl nang todo. Feeler daw, nagmamaganda, masama ugali, and etc.

Like hanep, diba? Shook ako sa reactions. Para sa mga taong nang bash kay ate girl, kapag nag propose ang lalaki sa maraming tao, nag effort bumili ng bulaklak at lumuhod, wala ka nang choice kundi umoo. Ganiyan sila ka-thirsty sa effort at sa isang bouquet ng bulaklak. Jusmio!

Proposing in public from a manliligaw is never a nakakakilig gesture for me. Pinipressure niyong pasagutin ng "oo" ang mga nililigawan niyo dahil nasa harap kayo ng maraming tao. Okay sana kung marriage proposal or alam mong M.U na kayo at sure na "OO" ang sagot niya. Pero kung alam mong wala kang pag-asa, naisip mo lang na baka sagutin ka kapag nag propose ka, aba! Think twice, kuya boy. Kung gusto mo talagang hingin ang kamay niya, do it privately. Hindi kailangang malaman ng madla na nililigawan mo siya. Ang time na dapat ipagmalaki ay ang time kapag sinagot ka na niya. Yun yern!

Xian 
2012
IABF
FEU Manila

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento